TODAY, I RESIGNED
Sa username na Francis Dantes, halos magdadalawang taon din akong naka-log in sa heart of jesus hospital. umaga, hapon, tanghali, gabi, madaling araw, pasko, new year, mahal na araw, birthday ko, easter Sunday, undas, pasukan, umuulan, umaaraw, may kuryente man o naka-genset lang, lunes hanggang sa susunod na lunes, name it, minsan busybusyhan, dating pa-appear appear offline (sa OR), pero madalas naka-green at always present ang francisdantes sa chatlist.

Marami-rami rin akong naipong wall post. Daming pictures. kung anu anong kinukuhanan, mga staff na pasubo ng kutsara, pasinghot o pagsinga, mga nurse na naghihikab, mga nahuhuli ng lente kong nakanganga, yung iba kuha kong litang at parang shunga. Pictures ng inuman, inuman at marami pang inuman. Pictures ng birthday party ni jimbo, Christmas party dito, party doon, pictures sa ward a, b, er, or, ccw, laboratory at kung saan saan pa. Marami rami rin akong naipong akong blog entries na kadalasan ay mga bulalas ng utak at kamay kong likas na mapaghimagsik. Marami akong wall posts (shoutout sa saliw ng makalumang friendster ). Mga wall posts na punong puno pa rin ng reklamo sa mundo.
Updated ang wall ko sa mga hospitalwide trending topics. Minsan (o minsan, mas madalas pa sa minsan) nagiging trending topic din ako. Dahil lang din siguro sa likas na pagiging kontrabida sa mga nakatatandang gawi, sa mga baluktot na mga paguutak, sa mga kontrobersyal na opinyon at pananaw sa buhay, sa mga komento ng aking mga kritiko, o minsan dahil sa mga di maiiwasang gawa gawang tsismis. Okay lang naman. Isa akong taong pinanganak na walang pakialam sa mga bagay na hindi ko ikakayaman o ikaaakyat ng isa pang baitang sa social ladder. :)))
Marami raming kontrobersya at problema at issue at mgapagsubok ang bumugbog sa utak ko habang ako’y nasa lugar na ito. Ngunit datapwat marahil subalit kahit gaano kadami iyon, marami rami rin akong natutunan, maramirami rin akong mamimiss.
LIST NG MGA BAGAY BAGAY NA MAMIMISS KO:
1. Ang laboratory na umanak at umampon sa akin simula’t sapol. Ang nagturo sa akin na kaya kong maging phlebotomist at medtech paminsan minsan. Salamat sa aircon, sa libreng kape, sa amoy starbucks na lab, sa tubig (hoy, nagdonate ako,mga 34 pesos din yun kung itototal), sa mga syringe (noon pa yun mam Ellen, nung hindi pa strict sa pagbibilang ng syringe), sa alcohol (noon pa yun mam Ellen, nung hindi pa strict sa pagtatakal sa alcohol), sa free internet until gabi, sa mga libreng meals, pameryenda ng may mga birthday, sa couch na tulugan ko, sa microscope na kasama ko sa isang profile picture ko.
2. Kay ate Kat. Mamimiss kita. Naks. Siyempre ikaw ang dahilan kung bakit ako napadpad sa heart. Salamat ha! Sa mga pameryenda at padinner at palunch mo. Sa mga kape at egg sandwich, sa camera mo, sa mga libreng headline-bukas-ngayon-ang-broadcast sessions, sa mga naguumapaw na 5 minutes, sa mga marami nating lakad (andami dami nila), sa mga ate-kat-tao-po-ate-kat-anjan-po-ba-si-ate-kat?? (anlaki kasi ng mansion nyo e), sa mga pag-iwan mo sa akin minsan sa lunch, sa mga pagrounds natin sa buong hospital at pagfeefeeling supervisor, sa mga lumaya-ka-na-ate chismax mo, sa mga chismax mo in general, kay jimbo, kay sir jim, sa mga pompoms at confetti mong always present para suportahan ako.
3. Kay ate Ellen. Salamat sa isang pirasong krispy kreme na pang.undoing mo dahil iniwan mo kong maglunch. Sa pagsuporta mo sa akin noong mga panahong isa akong illegal alien sa planetang hart, sa mga pagsuporta mo sa mga adhikain ko sa buhay, sa mga pagsangayon mo sa mga proklamasyong gusto kong ipanukala, sa di mo pagsawang pakikinig sa mga reklamo ko sa buhay, sa mga chuckie moments sa canteen, sa cake na happy birthday alipin na binigay nyo ni angkel michael. Touched na touched ako. Mamimiss ko yung mga awayan nyo ni angkel, na kesyo ‘last na talaga ito’ o kaya ‘this is it na talaga’ o kaya ‘ayoko na’ o kaya ‘wala na. hindi na talaga’ mga ganung linya, tapos after 2 hours, okay na ulit. Ansaya kaya nun. Natutuwa ako para sa iyo. Dahil achieved na achieved mo ang pagiging teenager. Ikaw na si angelu de leon. Pa-tgis amp?! haha
4. Sa ward b. noong una xempre bitter bitteran si francis. Hindi ko kasi maimagine kung paano kita mamahalin. Pero eventually, pinamukha mo sa aking, wala sa bigat o hirap o dami ng trabaho mo masusukat kung ano ang magiging lagay mo bilang isang trabahador. Sapagkat dahil sa iyo, nalaman kong nasa kasamahan yan, kung gaano ka kasaya sa duty kahit sumabog ang autoclave machine(haha OA), kahit sabay sabay magcode lahat ng kwarto, kahit lahat nagbblood transfusion, kahit lahat sabay sabay hinugot ang swero at lahat sabay sabay magpapabalik ng swero, kahit may mga pasyente o kasamahan ng pasyenteng ayaw umakto ayon sa ganda o sa room rate.
5. Mamimiss ko ang kwentong adobo at ang hagalpak ng mga sumusunod:
a. Hindi pa nakakatikim ng adobo
b. Adobong adobo na pero nakaduty pa
c. Gabi gabing umaadobo
d. Walang mangaadobo
e. Kakatapos este kakaubos lang ng adobo
f. Sabik sa adobo
6. Mamimiss ko si mikko, si lea, si leng at si Cyril, si jovit baldovino J
7. Mamimiss ko ang unlimited pangaasar ko sa mga tao sa paligid pero walang halong pikon pikon.
8. Mamimiss ko yung mga gusto kong tirising tao.
9. Mamimiss ko yung libreng pa-spaghetti pag may birthday
10. Mamimiss ko yung katoxican after every lamon ng pancit
11. Mamimiss ko yung biglang pwede mong gatasan si wowa ng pang.ice cream kahit madaling araw. Salamat wowa!
12. Mamimiss ko yung mga pakain ng mga pasyenteng mababait.
13. Mamimiss ko yung mga taong madaling susunod sa sticky notes ko. haha
14. Mamimiss ko yung pagbebente-kwatro at pagchachart ng sangkatutak na chart
15. Mamimiss ko yung kanya kanyang rounds sa dami ng pasyente
16. Mamimiss kong mag-VS at ipaplot ang 35.4 o 34.2 bilang 36
17. Mamimiss kong mag.exam ng calculus sa simula ng duty sa sobrang toxic ng swero.
18. Mamimiss kong maghabol ng swero
19. Mamimiss kong magdasal bago magendorse. Hoy ituloy nyo naman yung mga pauso ko ha!
20. Mamimiss kong magpapampam at magintermission ng pangaasar habang endorsement.
21. Mamimiss kong mambwiset
22. Mamimiss kong maging board member para isulat ang buong pangalan ni jovit
23. Mamimiss kong magpainit ng pagkain sa microwave
24. Mamimiss kong makipag.cod kung kani.kanino makagala lang
25. Mamimiss kong tumawag o magtext sa ward phone makapangasar lang
26. Mamimiss kong magnakaw ng hindi ginagamit na recliner chair para kumportable ang pagpikit SAGLIT ng mata
27. Mamimiss kong kumain ng Jollibee sa medaling araw
28. Mamimiss kong manoxic ng mga tao, kahit di naman toxic
29. Mamimiss kong magsungit sungitan
30. Mamimiss kong manakot gamit ang ibat ibang alamat ng hospital ghost stories
31. Mamimiss ko ang simpleng pagtawa sa mga naniniwala at natatakot sa mga stories na ito
32. Mamimiss kong sumagot sa telepono kahit hindi pa nagriring ito.
33. Mamimiss kong umepal sa code at magdefibrillate ng one im clear, two youre clear, three everybody clear- tugsh!!
34. Mamimiss kong maduguan ang uniform ko
35. Mamimiss kong maghanap ng cod form sa admitting
36. Mamimiss kong mapagalitan dahil sa hindi paglalog in (at minsan ang hindi maswelduhan dahil dito)
37. Mamimiss ko ang comfort na hatid ng CCW
38. Mamimiss ko ang mga linen na ginagawang sandalan, dantayan, unan, dukdukan
39. Mamimiss ko ang pangaasar kay lea habang nasa toilet tuwing madaling araw, “lea, tingin ka sa taas)
40. Mamimiss ko ang mga bloopers ng mga tao sa mundo. Comedy
41. Mamimiss ko ang paggawa ng laboratory requests
42. Mamimiss ko ang pangaasar kay auntie armida at sa kanyang abot langit na self confidence
43. Mamimiss ko rin ang mga kwento nyang tungkol sa relasyon nya kay doc c. pati ang mga tsismis tungkol sa pagdadalang tao nya. Feelingerang babae? haha
44. Mamimiss ko ang mga kapokpokan ng mga kaibigan kong pavirgin namely lea at leng
45. Mamimiss ko ang mga “hinihintay na ko ni doc”, “anjan na si doc sa angel’s burger”, “si doc lang ang kaligayahan ko” na mga linya ng mga yan
46. Mamimiss ko si mikko, ang busog version ni papa chen
47. Mamimiss ko ang mga repapips ko sa ward b, si Cyril, si ate joyce, si marj, si Danielle, si sir jc, si ate jen si ma’am marsha. Si mam lanie at mam joan mislang din! J
48. Mamimiss kong maging sumbungan ng bayan
49. Mamimiss kong magtanong ng random question, at maglecture
50. Mamimiss kong mag-morning care ng mga pasyente, magpalit ng linens, magrounds para siguraduhing presentable sa board of judges
51. Mamimiss kong pumasok ng malinis at puti ang uniform, at umuwing dugyot pero Masaya
52. Mamimiss ko kayo. J
Pero, talaga kasing may mga bagay na talagang kelaganng biglaang gawin. Hirap pag patumpiktumpik. Hirap kapag pinagiisipan pa. mga tipong kung hanggang plano ka lang, e wala kang mapupuntahan. kelangan biglain. Kelangan aksyon agad. Kelangan sapok kung sapok, sapukan kung sapukan. Hindi mo na kelangang magpaalam pa. ano yun? Excuse me, pwedeng Pasapok???
At dahil dyan, finally, matapos ang dalawang taon kong paghihintay sa pagkakataong isulat ang final curtain script ko, ang totoo at pinalsugar coatedresignation letter. Ang lahat ng nasusulat dito ay pawang galing sa puso kong minsan minsan lang tumibok ng matino.

Sa mga taong naging friends ko, sa mga naging fans ko, sa mga nag.unfriend sa akin, sa mga taong tumambay ng matagal sa page ko, sa mga naglike, nagcomment at nagshare ng mga pauso ko sa buhay hjh ko, hinding hindi ko kayo makakalimutan. Kahit anong mangyari, nakatatak na kayo sa timeline ko. maraming maraming salamat.
Sa panahon ngayon, kelangan ko nang mag.move on. Nagpaalam man ako sa inyo, andito lang naman ako. Hanggang sa muli.

Logged out.



